Umabot sa 125 na mga senior citizen ng Binmaley ang tumanggap ng cash gift mula sa National Commission of Senior Citizens (NCSC) Region I sa isinagawang Cash Gift Distribution sa Pamahalaang Bayan ng Binmaley.
Ang programa ay inilaan para sa mga nakatatandang nasa edad 80, 85, 90, 95, at 100 taong gulang bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa komunidad at bilang suporta sa kanilang patuloy na kapakanan.
Pinangunahan ang aktibidad ng lokal na pamahalaan kasama sina Leon Castro Jr., Head ng Office of Senior Citizens Affairs (OSCA), at Pangasinan OSCAHAP President.
Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ang programa ng patuloy nitong pagsusulong ng mga inisyatibang nagbibigay-pugay at suporta sa mga nakatatandang Binmalenian, bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa pag-unlad ng bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







