CHO DAGUPAN, NAGBABALA SA BANTA NG LEPTOSPIROSIS NGAYONG PANAHON NG TAG-ULAN

Nagbabala ang City Health Office Dagupan sa banta ng sakit na leptospirosis ngayong panahon muli ng tag-ulan.

Ayon kay Dra. Maria Julita De Venecia, isa ang leptospirosis sa tinututukang sakit na posibleng makuha mula sa naiipong tubig-ulan o di kaya ay pagbaha lalo na sa mga lugar kung saan walang kasiguraduhan ang kalinisan.

‎Wala umanong pinipiling edad ang matatamaan ng nasabing sakit kaya naman ibayong pag-iingat at pag-iwas sa paglusong sa mga bahaging lugar ang kinakailangan upang hindi madapuan ng nasabing sakit.

‎Dapat umano na nakasuot ng bota kung sakaling lulusong sa tubig baha at kung lumusong man ay agad na sabunin ang mga paa upang maalis ang mga dumi at hindi na mabiktima ng nasabing sakit. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments