Pangulong Duterte, hindi pa aprubado ang pagpapasara sa operasyon ng E-sabong

Nilinaw ng MalacaƱang na wala pa silang natatanggap na kopya ng resolusyon ng Senado hinggil sa pagsusulong ng mga ito na pansamantala munang ipasara ang operasyon ng E-sabong.

Ayon kay acting Presidential Spokesperosn at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, kung susundin ang proseso, kailangan munang magkaroon ng resolusyon o rekomendasyon hinggil dito ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na syang isusumite sa pangulo para sa kanyang go signal.

Sa ngayon ani Nograles, wala pang ganitong ipinarating na abiso o dokumento ang PAGCOR sa Office of the President.


Una nang sinabi ni Senador Ronald ā€œBatoā€ dela Rosa, na nagkausap na sila ni Pangulong Rodrigo Duterte at sinabi umano nitong suportado niya ang nasabing hakbang ng Senado.

Facebook Comments