Pangulong Duterte, may go signal na upang i-release ang higit ₱1 billion pondo para sa SRA ng mga health worker

537

Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagre-release ng ₱1.185 billion para sa pagbabayad ng COVID-19 Special Risk Allowance (SRA) ng mga healthcare worker (HCW) na mula sa pribadong ospital at mga non-Department of Health (DOH) plantilla personnel na hindi pa nakakatanggap ng benepisyong ito.

Ito ay para sa mga eligible healthcare worker na direktang tumutugon o mayroong contact sa COVID-19 patients.

Ayon kay Budget Secretary Tina Rose Canda, huhugutin sa 2021 Contingent Fund ang pondong ito.


Hinihintay na lamang ang mga release document para dito, at posibleng sa linggong ito ay maibaba na sa DOH ang pondo.

Sa oras na matanggap na ito ng DOH ay saka naman ito ibaba sa mga ospital para sa pagbabayad ng SRA ng mga health worker na hindi pa nakatanggap nito.

Facebook Comments