Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pangungunahan ang cabinet meeting na nakatakda ngayong umaga sa Malacañang

69

Muling magsasagawa ngayong umaga ng cabinet meeting sa Malacañang.

Pangungunahan ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na karaniwang sinisimulan ng alas-9:00 ng umaga.

Wala namang naibigay pa na agenda ang Malacañang na posibleng mapag-usapan mamaya pero maaaring matalakay ang usapin sa pagbubukas ng face-to-face classes sa August 22.


Noong nakaraang Biyernes ay una nang nagsagawa ng special cabinet meeting sa Malacañang at tinalakay ang P5.2 trillion budget para sa 2023 kung saan kabilang sa mga prayoridad na mapondohan ang may kaugnayan sa edukasyon, kalusugan, imprastraktura, agrikultura at iba pa.

Facebook Comments