Panibagong 25-year franchise ng Meralco, lusot na sa Senado

Aprubado na sa plenaryo ng Senado ang paggawad ng 25 taon na extension sa prangkisa ng Meralco.

Sa botong 18 pabor, isang tutol at wala namang nag-abstain ay nakalusot sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang dagdag na 25 taon sa franchise ng electric company.

Tanging si Senator Risa Hontiveros lamang ang tutol dito.


Sa ilalim ng House Bill 10926 na bersyon ng Kamara na kinatigan ng Senado ay binibigyan ng panibagong prangkisa ang Meralco na magsisimula sa taong 2025, ang taon naman na matatapos ang kasalukuyang hawak na prangkisa ng kompanya.

Ibig sabihin, patuloy na maseserbisyuhan ng Meralco ang nasa 7.7 million na customers nito sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas at Rizal.

Sinabi naman ng sponsor ng panukala na si Senator Joel Villanueva na may commitment ang Meralco na mag-invest ng ₱24 billion sa susunod na limang taon para sa pag-a-upgrade ng kanilang power distribution system at pagpapalit ng mga lumang poste at linya ng kuryente.

Facebook Comments