NAKITANG UOD SA ISANG PRODUKTO NG FAMILY FOOD PACK NA NATANGGAP NG ISANG BENEPISYARYO SA DAGUPAN CITY, INIIMBESTIGAHAN NA NG DSWD

‎Iniimbestigahan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Central Office ang ukol sa isang social media post ng umano’y nakitang uod sa isang produkto ng family food pack na naipamahagi sa isang benepisyaryo sa Dagupan City.

‎Bagamat deleted na ang nasabing post ay agad na naipaabot ang concern sa tanggapan ng DSWD FO1 upang agad na mabigyang pansin.


‎Ayon sa panayam ng IFM News kay Ma’am Anniely Ferrer, Assistant Regional Director for Operations ng DSWD Field Office 1- Ilocos Region, agad nila itong ini-report sa DSWD Central Office matapos na mai-ulat sa kanila ang nasabing reklamo.

‎Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na umano ang Central office sa supplier ng mga nasabing family food pack.


‎Itinuturing naman ang insidente na isang isolated case at tinitiyak ng DSWD FO1 na ligtas at dekalidad ang lahat ng produktong nilalaman ng family food pack na kanilang ipinamamahagi sa mga apektadong residente sa rehiyon.


‎Samantala, pinalitan ng panibagong family food pack ang nakuhang depektong item ng nagpost na benepisyaryo at nagpasalamat naman sa pagtutulungan ng mga kinauukulan upang mabigyan pansin ang kanilang naging concern. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments