Panibagong limampung 50 bangkay, narekober sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City

161

Manila, Philippines – Aabot sa 50 bangkay ang narekober ng Provincial Government ng Lanao Del Sur sa nagpapatuloy na clearing operation sa Marawi City.

Ayon kay Zia Alonto Adiong, Spokesman of the Provincial Crisis Management Committee – ang mga narekober na bangkay ay kinabibilangan ng mga sibilyan at Maute groups.

Agad naman dinala sa Iligan City ang mga bangkay para ipro-proseso sa Philippine National Police-Crime Laboratory para sa pagkakakilanlan.


Una nang sinabi ng militar na aabot pa sa mahigit 40 sibilyan ang hawak ngayon ng teroristang grupo.

Facebook Comments