Pinangungunahan ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture at Municipal Agriculture Office bilang bahagi ng pagpapatupad ng Masagana Rice Industry Development Program para sa Dry Cropping Season 2025–2026.
Ayon sa lokal na pamahalaan, nasa 1,893 rice farmers ang inaasahang makikinabang sa distribusyon ng inorganic fertilizers kabilang ang Urea (46-0-0), Humus, Bio-N, at Humi-N.
Makakatanggap din ng fertilizer assistance ang 200 corn farmers sa ilalim ng Yellow Corn Production Enhancement Program kung saan Urea fertilizer ang ipamamahagi.
Pinayuhan naman ang mga kwalipikadong benepisyaryo na kumuha muna ng release stub at magdala ng valid ID para sa beripikasyon bago tumanggap ng ayuda.
Layunin ng programa na mapataas ang produksyon ng palay at mais, mapaunlad ang kita ng mga magsasaka, at higit pang mapalakas ang food security sa bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








