Friday, August 14, 2026

Panukalang batas para sa umento sa sahod, dapat agad maipasa at maipatupad

Nananawagan si House Deputy Minority Leader at Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno sa mga kasamahang mambabatas na agad ipasa at isabatas ang panukalang P200 daily wage hike.

Apela ito ni Diokno, makaraang maglabas ang Pasig Regional Trial Court Branch 152 ng preliminary injunction laban 85 pesos na wage increase sa National Capital Region.

Nakakalungkot para kay Diokno na hindi maipapatupad ang umento sa sahod habang pending ang kaso sa korte kaya dapat umaksyon na agad ang Kongreso.

Patuloy namang iginigiit ni Diokno, na malinaw sa Article 126 ng Labor Code na bawal maglabas ang anumang hukuman ng Temporary Restraining Order at maging preliminary o permanent injunction laban sa anumang wage order.

Diin ni Diokno, ang tamang proseso para sa pag-apela ng isang wage order ay nasa Article 123 ng Labor Code, at hindi ito inihahain sa Regional Trial Court.

Facebook Comments