
Nakikiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagdiriwang ng International Women’s Day ngayong araw.
Ayon sa pangulo, marapat lang na bigyang pagkilala ang mga kababaihan na bahagi ng matatag na puwersang nagpapalakas, nagsusumikap, at nagbibigay ng bagong anyo sa lipunan.
Malaki aniya ang naging papel ng kababaihan sa paghubog ng kasaysayan ng Pilipinas.
Mula sa mga katipunera at Filipinang gerilya hanggang sa pagiging mga frontliner at propesyonal na nangunguna sa kani-kanilang larangan ay ipinakita ng mga kababaihan ang kanilang kaalaman, talento, at maging ang kanilang buhay para sa kapakanan ng nakararami.
Kaugnay nito, siniguro ng pangulo na palaging pangangalagaan ng gobyerno ang mga karapatan ng kababaihan at lalabanan ang anumang banta na hahadlang sa kanilang pag-unlad.