Akusado sa insidente ng pamamaril sa isla ng Boracay, boluntaryong sumuko sa Balete PNP

Balete, Aklan – Matagumpay na ipinatupad ng Balete Municipal Police Station ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa isang 36-year old na akusado kaninang umaga, Oktubre 20, 2023. Sa report ng Balete MPS na ang Balete MPS Tracker Team, na pinangunahan ni Police Executive Master Sergeant Rezie Bulanon, ay pinadali ang boluntaryong pag surender ng akusado at isinilbi ang warrant of arrest laban sa kanya. Ang warrant of arrest ay inisyu may kaugnayan sa isang insidente ng pamamaril na nangyari noong Nobyembre 16, 2022 sa isla ng Boracay. Ang warrant of arrest ay inisyu ni Honorable Montalid Jr. Polines Patnubay, the Presiding Judge of RTC 6th Judicial Region Branch 9, Kalibo, Aklan sa kasong Homicide under Revised Penal Code Article 249 na may Criminal Case Number 16583. P 120,000.00 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Sa ngayon ang akusado ay nasa kustodiya ng Balete MPS habang hinihintay ang pag-turn over nito sa korte.
Facebook Comments