Welder na nanghipo ng maselang bahagi ng katawan ng isang vendor, arestado sa San Juan City

83

Kalaboso ang isang welder matapos na hawakan ang maselang bahagi ng katawan ng isang vendor sa B.S. Angeles St., Brgy. Sta. Lucia, San Juan City.

Kinilala ang suspek na si Richard Belarde, 33 anyos, isang welder at residente ng San Isidro, Naga City, Camarines Sur.


Habang ang biktima ay nakilalang si Alexandra Magie, 19 anyos at residente ng B.S. Angeles St. Brgy. Sta. Lucia, San Juan City.

Ayon kay Police Corporal Delma Baddongon, nakikipag-inuman noon ang suspek kasama ang biktima at tatlong iba pa ng bigla nitong hipuan sa maseselang bahagi ng katawan ang dalaga.

Agad naman humingi ng tulong sa barangay ang biktima na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na nahaharap sa kasong Act of Lasciviousness.

Facebook Comments