Pasay City government, may abiso sa ilang mga lugar na mamawalan ng supply ng kuryente ngayong araw

Nag-abiso ang Pasay City government sa mga residente ng Pasay City na ngayong araw ay mawawalan ng supply ng kuryente ang ilang lugar.

Ang pagkawala ng supply ng kuryente ay dahil sa gagawing line maintenance works ng Meralco sa kahabaan ng 10th St. sa Villamor Air Base, Pasay City.

Base sa abiso, mawawalan ng supply ng kuryente ngayong araw alas-3 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi sa bahagi ng 10th St. malapit sa 11th St. at sa bahagi ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA)


Pinapayuhan ang mga residente sa mga apektadong lugar na paghandaan ang nakatakdang power interruption upang hindi na maabala pa ang kanilang mga importanteng gawain.

Facebook Comments