Pasig City, pinagdiwang ang ika-159 na kapanganakan ni Dr. Jose Rizal

Nakiisa ang lokal na pamahalaan ng Pasig City sa pagdiriwang ng ika-159 na kapanganakan ni Dr. Jose Rizal.

Kaninang umaga, sinumulan ang programa sa Plaza Rizal ng Pasig City kung saan nakatayo ang bantayog ni Dr. Jose Rizal.

Nag-alay rin ng bulaklak ang mga opisyal ng lungsod ng Pasig na pinangunahan ni Mayor Vico Sotto sa harap ng monumento ni Gat Jose Rizal.


Naging maiksi ang ginawang seremonya na tumagal lang ng 15 minuto.

Sa mensahe ng Alkalde, sinabi nito na nawa’y mabuhay ang diwa ni Dr. Jose Rizal sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga taga-Pasig.

Pinasalamatan naman ng alkalde ang frontliners ng Pasig City tulad ng mga nurse, doktor, pulis at iba pa dahil sa kabayanihang ipinapakita sa gitna ng banta ng COVID-19.

Facebook Comments