PBA | Barangay Ginebra, isang panalo na lang ang kailangan para makapasok sa Finals

Manila, Philippines – Panalo ang Barangay Ginebra sa malapitan nilang laban kontra Elasto Painters Rain or Shine sa iskor na 75-72 sa game 3 ng nagpapatuloy na semifinals ng PBA Commissioners’ cup.

25 Puntos ang lamang noong una ng Ginebra pero nakahabol ang ROS kaya lumiit sa dalawang puntos ng pagitan ng dalawang koponan sa huling siyam na segundo.

Iniligtas ni Justin Brownlee sa pagkatalo ang Ginkings na kumamada ng 44 points.


Nakatulong din sa panalo ang dalawang free throws ni LA Tenorio at dalawang tres mula kay James Yap.

Target ng Ginebra na masungkit ang puwesto sa Finals sa game 4, bukas.

Facebook Comments