PBBM at FL Liza, aalis na ng bansa mamayang gabi para dumalo sa libing ni Pope Francis

Babiyahe na patungong Vatican mamayang gabi sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at First Lady Liza Araneta Marcos para dumalo sa libing ni Pope Francis sa Sabado.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, walang magiging pre-departure ceremony ang pangulo sa pag-alis niya ng bansa mamayang gabi.

Sa ngayon, hindi pa pinapangalanan ng Palasyo kung sino ang magiging caretaker ng bansa habang wala ang pangulo.

Hindi rin nagbigay ng detalye ang Palasyo kung kailan babalik ng bansa ang pangulo at kung may mga iba pa itong aktibidad sa Europa bukod sa pagdalo sa libing ni Pope Francis.

Nakatakdang ilibing sa Basilica of Saint Mary Major ang Santo Papa sa Sabado, April 26, alas-10:00 nang umaga, oras sa Vatican at alas-4:00 namang hapon 4pm, oras sa Pilipinas.

Facebook Comments