Justice Mario Lopez, nakatakda nang mag-retiro sa Korte Suprema

Pinangunahan ni Supreme Court Associate Justice Mario Lopez ang kanyang huling flag ceremony sa Baguio Summer Session kasama ang ilang mahistrado ng Korte Suprema kabilang si Chief Justice Alexander Gesmundo.

Magre-retiro si Justice Lopez sa Hunyo 4, sa edad na 70.

Sa kanyang talumpati, inalala niya ang unang summer session niya noong 1981 bilang batang abogado.

Ipinagmalaki rin niya ang tagumpay ng mga reporma sa ilalim ng Strategic Plan for Judicial Innovations.

Kasama na ang mental health programs ng hudikatura na una nang isinagawa sa Baguio.

Itinalaga si Justice Lopez sa Korte Suprema noong 2019 at siya rin ang BAR chair noong 2024.

Facebook Comments