Wednesday, April 15, 2026

LIBRENG SERBISYONG DENTAL, HANDOG SA MGA MANGINGISDA NG DAGUPAN

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Bangus Festival, inilunsad ng City Health Office katuwang ang International College of Dentists ang isang programang pangkalusugan na naglalayong magbigay ng libreng serbisyong dental para sa mga mangingisda ng lungsod.

Gaganapin ang nasabing aktibidad sa Sabado, April 18, 2026, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa Lyceum of Northwestern University Dentistry Department at People’s Astrodome.

Kabilang sa mga serbisyong ipagkakaloob ang libreng bunot ng wisdom tooth, tooth extraction, pasta, at oral cleaning. Layunin ng programa na mapangalagaan ang kalusugan ng ngipin ng mga mangingisda na araw-araw humaharap sa hirap at panganib ng pangingisda.

Ayon sa mga tagapag-organisa, ito ay isang paraan ng pagbibigay-pugay at pasasalamat sa mahalagang ambag ng mga mangingisda sa ekonomiya at pagkain ng komunidad.

Hinihikayat ang lahat ng mangingisda na samantalahin ang libreng serbisyong ito bilang bahagi ng selebrasyon ng Bangus Festival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments