Congestion rate sa mga pasilidad ng BuCor, mas mababa nung 2024

Mula sa 332 percent na congestion rate sa mga pasilidad ng Bureau of Corrections (BuCor) sa bansa nung 2023 bumaba ito sa 248 percent nung 2024.

Yan ang sinabe ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. nang humarap siya sa ginanap na Philippine Open Government Partnership Asia and the Pacific Regional Meeting kahapon.

Ipinagmalaki ni Catapang na walang record ng human rights violation sa kanilang nasasakupan.


Bagama’t bumaba ang congestion rate dahil sa mga pinapalayang persons deprived of liberty (PDL) kada buwan, ay napapalitan naman ito ng mga bagong papasok na katumbas ng parehas na bilang ng mga lumalabas na PDLs.

Ayon kay Catapang, kailangan mabigyan pansin ang jail decongestion dahil hindi lamang ito tungkol sa dami o bilang ng PDLs kundi para na rin sa reporma sa hustisya at pagbibigay ng alternatibo sa rehabilitasyon na makapagpapa-unlad sa mga PDL.

Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito ay matutupad ang kinakailangang physical reform upang makapagbigay ng mas maayos na kapaligaran at pagkakataon mamuhay nang maayos ang PDLs.

Facebook Comments