PBBM, itinangging may kinalaman sa pulitika ang pag-aresto kay FPRRD

Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang kinalaman pulitika lalo na sa eleksyon ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., nagsimula ang kaso noong 2017 kung saan miyembro pa ng International Criminal Court (ICC) ang Pilipinas at sa panahon pa mismo ni dating Pangulong Duterte.

Nagkataon aniyang nag-develop ang kaso sa kaniyang administrasyon kung kaya’t hindi niya ito nakikita bilang political persecution.


Inaasahan na aniya ng Pangulo na i-uugnay ang sitwasyon sa pulitika, gayunpaman ang ginawa aniya ng pamahalaan ay ang pagsunod lamang sa Interpol.

Facebook Comments