
Sa Mindanao naman manliligaw ng boto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ngayong Sabado para sa kaniyang mga pambatong senador sa midterm election.
Isasagawa ang kampanya ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas slate sa Carmen Municipal Park and Plaza, Davao del Norte na magsisilbing kick off rally sa Mindanao.
Noong 2022 elections, nag-landslide victory sa Davao del Norte si Pangulong Marcos nang makakuha ng 470,000 boto mula sa kabuuang 577,781 rehistradong botante.
Ayon sa koalisyon, katulad ng pagtindig ng mga residente para kay PBBM, naniniwala silang susuportahan din ng mga taga-Mindanao ang Senate slate ng administrasyon.
Inilalatag ng alyansa sa bawat rally ang mga plataporma na may kinalaman sa paglago ng ekonomiya, pagpaparami ng mga proyektong pang-imprastratura, at mga programang pangmamamayan.
Pagkatapos ng Davao del Norte, sa Pasay City naman gaganapin ang National Capital Region campaign leg ng Alyansa.