
Target ng House of Representatives na maipasa sa ikatlo at huling pagbasa sa October 9 ang panukalang 2027 National Budget na nagkakahalaga ng P7.2 trillion.
Inihayag ito ni House Committee on Appropriations Chairperson at Nueva Ecija Representative Mikaela Suansing, matapos na maisumite ngayong araw ng Department of Budget and Management (DBM) sa House of Representives ang 2027 National Expenditure Program (NEP).
Ayon kay Suansing sa Lunes, August 17 hanggang September 8 ay aarangkada na ang budget hearings ng Komite na sisimulan sa pamamagitan ng briefing ng Development Budget Coordination Committee o DBCC.
Tiniyak din ni Suansing na kanilang muling ikakasa ang mga repormang ipinatupad noong nakaraang taon para maging lubos na bukas sa publiko ang pagbusisi sa pambansang pondo.
Kabilang sa binanggit ni Suansing ang pag-livestream ng committee hearings, deliberasyon sa plenaryo at pagsalang ng budget sa bicameral conference committee.
Diin pa ni Suansing, pag-iibayuhin din nila ang partsipasyon ng publiko sa pamamagtan ng papel ng civil society organizations sa crafting ng budget.










