
Tiyak na mag-eendorso si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng kandidato sa 2028 presidential elections.
Ito ang sinabi ng pangulo nang tanungin kung may susuportahan siyang kandidato laban kay Vice President Sara Duterte.
Gayunpaman, wala pa aniya siyang napipisil na pangalan.
Sa Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) Presidential Luncheon, sinabi ni Marcos na maaga pa para pumili dahil wala pa siyang nakakausap tungkol sa 2028 presidential race.
Ayon sa pangulo, marami pang maaaring magbago sa pulitika bago ang halalan.
Sa ngayon, isa pa lamang ang hayagang nagpahayag ng intensyong tumakbo.
Hindi rin isinasara ni Marcos ang pakikipag-alyansa ng Partido Federal ng Pilipinas o PFP sa ibang partido.
Ang malinaw, aniya, pipili sila ng pinakamahusay na kandidato na magpapatuloy sa mga nasimulan ng kanyang administrasyon at magdadala ng mga bagong programa para sa bansa.










