Friday, August 14, 2026

Pagawaan ng substandard na bakal sa Davao City, sinalakay ng NBI at PAOCC

Sinalakay ng mga tauhan ng Anti-Organized Crime Commission o PAOCC at National Bureau of Investigation o NBI ang isang pagawaan ng substandard na bakal sa Davao City.

Natuklasan sa Davao Mighty Steel Corporation sa Barangay Ilang, Bunawan, Davao City ang mga bakal na may taglay na radioactive materials.

Nakumpirma ng NBI at PAOCC sa bodega ang radioactive isotopes sa iba’t ibang bahagi ng pasilidad ng kumpanya.

Kabilang na rito ang ilang natapos na rebars at industrial waste materials.

Lumabas pa sa pagsusuri na kalahati ng mga sample ng rebars na binili mula sa mga hardware store sa Mindanao ay bagsak sa itinakdang pamantayan ng produkto.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang reklamo laban sa mga responsable sa pagpapatakbo ng pagawaan.

Samantala, nasa 174 na manggagawa naman ang nailigtas mula sa pasilidad.

Nalagay sa panganib ang kalusugan ng mga manggagawa dahil sa patuloy na exposure sa radioactive-bearing materials, alikabok, usok at iba pang hazardous substances.

Facebook Comments