
Walang saysay ang kalayaan kung ang mga Pilipino ay nagugutom at napag-iiwanan.
Ito ang mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa kaniyang talumpati sa Quirino Grandstand, Maynila ngayong Araw ng Kalayaan.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang kalayaan ay hindi lamang tungkol sa kasaysayan ng paglaya mula sa dayuhan, kundi sa araw-araw na laban para sa kapakanan ng bawat Pilipino.
Balewala aniya ang pagwagayway ng watawat kung walang pagkain sa hapag, maayos na transportasyon, gamot sa may sakit, at dignidad ang bawat manggagawa.
Dahil dito, hinamon ni Pangulong Marcos ang mga opisyal ng gobyerno na magkaroon ng pananagutan sa mga hinaing ng Pilipino, at huwag maging abusado at magpapogi lamang.
Hindi aniya dapat sayangin ng mga opisyal ang tiwala ng publiko lalo sa mga gitna ng mga hamong kinahaharap ng bansa.