
Nagkasa ng kilos-protesta ang iba’t ibang grupo sa lungsod ng Maynila kasabay ng ika-127 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.
Nagsimula ang kanilang pagmartsa sa kanto ng Taft at Kalaw Avenue kung saan nagmartsa sila patungong Embahada ng Amerika.
Hindi pinayagan ng Manila Police District o MPD ang mga nagkikilos-protesta kung saan hinarang na sila sa tapat ng National Library of the Philippines.
Dahil dito, nagkasa na lamang ng programa ang mga nasa 300-350 indibidwal at kanilang panawagan na patalsikin ang tropa ng Amerika.
Nais din nila na ibasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) at Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) dahil nagagamit lamang daw ang bansa.
Facebook Comments