PBBM, walang utos na ipatawag ang Chinese ambassador tungkol sa umano’y panghihimasok ng China sa darating na Halalan

Hindi ipatatawag ng Malacañang si Chinese Ambassador Huang Xillian kasunod ng ulat na umano’y panghihimasok ng China sa midterm elections.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, sa ngayon ay walang utos si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pagpaliwanagin ang Chinese official.

Sa kabila nito, naniniwala naman ang Palasyo na kailangan pa rin ng malalimang imbestigasyon tungkol dito lalo na kung may kinalaman sa seguridad ng bansa.

Samantala, tinawag naman na “fake news” ng Palasyo ang ulat ng Beijing state media na pag-okupa ng Sandy Cay ng Chinese Coast Guard.

Dagdag pa ni Castro, na nagrekorida rin ang puwersang pandagat ng pamahalaan at wala silang nakitang kakaibang aktibidad sa teritoryo.

Facebook Comments