
Maaga pa lamang ay dumagsa na sa Commission on Elections (Comelec) – San Juan ang mga kagawad ng media na lumahok sa absentee voting.
Alas otso ng umaga nagbukas ang presinto at ito ay nagsara ng alas singko ng hapon.
Ayon kay Comelec-National Capital Region (NCR) Assistant Director Atty. Jovencio Balanquit, 917 na mga kagawad ng media at mahigit 30 Comelec personnel mula sa Metro Manila ang nagpatala para sa absentee voting dito sa Comelec-San Juan na tatagal hanggang sa Miyerkules, April 30.
Kinumpirma rin ni atty. Balanquit na mangilan-ngilan lamang ang kanilang naitala na problema sa unang araw ng local absentee voting.
Kabilang dito ang mga nagpalista pero hindi nag-fill up ng form para sa local absentee voting habang may ilang din na hindi pala aktibong botante.
Inaasahan ng Comelec ang 300 turnout kada araw ng botohan dito sa Comelec-San Juan.
Ang Comelec-San Juan ay itinakda sa local absente voting para sa media at
comelec personnel mula sa NCR.