PCG, patuloy sa radio challenge laban sa barko ng China malapit sa Zambales

Oras-oras na ang ginagawang pagradyo ng barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Chinese Coast Guard (CCG) iligal na pagpapatrolya sa dagat na sakop ng Pilipinas.

Ito’y ayon kay PCG Spokesman for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela sa kabila ng maalong lagay ng dagat.

Kinumpirma rin ni Tarriela na muling nagpalit ng barko ang PCG na nagbabantay sa 3103 ng CCG kung saan bumalik ng Subic, Zambales ang BRP Suluan at ang humalili ay ang BRP Cabra.


Inihayag pa ng opisyal na mistulang nakikipagtapatan talaga ang CCG sa ginagawa nilang hakbang.

Aniya, nang paparating ang BRP Cabra ay lumapit din sa baybayin ng Zambales ang CCG 3304 subalit bumalik malapit sa Bajo De Masinloc nang makitang umalis sa lugar ang BRP Suluan.

Ang 77-meter na CCG vessel 3103 ay nasa layong 65 nautical miles mula sa baybayin ng Zambales at pumalit ito sa 3304 na nauna nang tinangkang itaboy ng BRP Gabriela Silang at BRP Suluan.

Facebook Comments