
Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang silangang bahagi ng bayan ng San Francisco sa Southern Leyte.
Sa kalalabas lamang na report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic ang origin ng lindol na natukoy sa lalim na 10 kilometro.
Dahil dito, nakapagtala ng instrumental Intensity V sa bayan ng Padre Burgos, Southern Leyte; Intensity IV naman sa Hinunangan at Maasin, Southern Leyte; habang Intensity III naman ang naramdaman sa mga bayan ng Palo, Dulag, Lungsod ng Ormoc, at maging sa bayan ng Carigara, Leyte.
Ayon sa PHIVOLCS, asahan na ang pinsalang dulot ng nabanggit na malakas na pagyanig.
Asahan din ang mangyayari pang aftershocks.
Facebook Comments