Thursday, June 25, 2026

Ex-Sen. Trillanes, handang magsampa ulit ng panibagong reklamo sakaling idawit pa sa isyu ng maleta

Nagbabala si dating Senador Antonio Trillanes IV na handa siyang magsampa ng panibagong reklamo sakaling muli siyang idawit sa isyu ng umano’y “maleta.”
 
Ayon sa kanya, maaari siyang magsampa ng hiwalay na cyberlibel case laban sa bawat akusasyong ilalabas laban sa kanya, at nasa hukuman na kung pagsasama-samahin ang mga ito.
 
Kaugnay ito ng pagdawit sa kanya ng 18 nagpakilalang dating bodyguards ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co sa umano’y pagtanggap niya ng maleta na naglalaman ng pera bilang suhol para sa International Criminal Court (ICC).
 
Kahapon ng hapon nang magsampa ng reklamong cyberlibel si Trillanes laban sa 18 tinaguriang “maleta boys,” gayundin kina Senador Alan Peter Cayetano at Rodante Marcoleta.
 
Nauna nang sinampahan ng patung-patong na reklamo ang 18 dating bodyguards ng iba pang personalidad na idinawit nila sa isyu ng maleta.

Facebook Comments