
Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at hindi bumababang halaga ng mga piyesa ng jeep, naghain ng petisyon ang PISTON sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board para sa ₱10 dagdag sa minimum fare.
Ayon kay Mody Floranda, hindi layunin ng petisyon na pagandahin ang kita ng mga tsuper kundi matiyak na magpapatuloy ang kanilang serbisyo sa publiko.
Samantala, umaasa ang PISTON na mararamdaman ang epekto ng transport strike ngayong April 21 dahil sa sabayang kilos-protesta at tigil-pasada ng MANIBELA at PISTON.
Facebook Comments










