
Ipinauubaya na ng Department of Education (DepEd) sa mga tagapangasiwa ng pribadong paaralan kung sasabay sila sa pagbubukas ng klase sa June 16 para sa School Year 2025-2026.
Ayon sa DepEd, maaari namang hindi sumabay sa nasabing petsa ang mga pribadong paaralan.
Kinakailangan lamang na mabuo ng private schools ang School Calendar Law na nagsasaad na kailangang magsimula ang klase sa mga paaralan sa unang Lunes ng Hunyo subalit hindi lalagpas sa huling araw ng Agosto.
Sa ilalim kasi ng batas, binubuo ang isang School Year nang hindi hihigit sa 220 class days.
Nangangahulugan ito na kung magsisimula ang klase sa June 16, 2025 at magtatapos ng March 31, 2026, bubuuin ito ng 197 class days.
Facebook Comments