Tulong sa mga maliliit na negosyo sa ilalim ng susunod na administrasyon, tiniyak ng isang senador

44

Suportado ni Senator-elect Loren Legarda ang panukalang stimulus package para matulungan ang mga maliliit na negosyo na napinsala ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Legarda, titiyakin niya na may sapat na pondo para sa Micro, Small and Medium Enterprises o MSMEs law.

Sisiguruhin din ni Legarda na epektibong maipapatupad ng mga ahensya ng gobyerno ang mga MSMEs programs.


Bukod dito ay binanggit ni Legarda na pag aaralan nilang mabuti ang isusumite ng susunod na administrasyon na panukalang pambansang pondo para sa 2023.

Sabi ni Legarda, kung kinakailangan ay handa nila itong amiyendahan para makamit ang layunin na makatugon sa epekto ng pandemya.

Facebook Comments