PHIVOLCS, naka-monitor ng 466 na aftershocks kasunod ng magnitude 6.4 na lindol sa Abra kagabi

Nakapagtala na ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng mahigit 400 aftershocks kasunod ng magnitude 6.4 na lindol sa Abra kagabi.

Batay sa monitoring ng PHIVOLCS, naitala ang 466 na pagyanig nitong 2PM.

Mula sa naturang nangyaring pagyanig, 93 ang plotted o naitala ng mga instruments habang anim ang naramdaman ng mga residente.


Ayon pa sa PHIVOLCS, karamihan sa mga naitalang pagyanig ay nasa 1.4 hanggang 4.8 ang magnitude ng mga naitalang aftershocks.

Facebook Comments