PHIVOLCS, nakapagtala ng 82 aftershocks kasunod ng magnitude 5.8 na lindol sa Southern Leyte

Nadagdagan pa ang mga naitatalang aftershocks ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kasunod ng magnitude 5.8 na lindol sa Southern, Leyte kaninang umaga.

Batay sa pinakahuling ulat ng PHIVOLCS, as of 3:00 PM, umabot na sa 82 ang naitalang aftershocks.

Ang magnitude range ay nasa pagitan 1.6 hanggang 2.8.


At mula sa 82 na aftershocks 26 ang plotted earthquake o ‘yung paglindol na naitala sa tatlong o higit pang monitoring stations.

Matatandaang niyanig ng Magnitude 5.8 na lindol ang bahagi ng San Francisco, Southern Leyte kaninang 7:39 ng umaga kung saan inaasahan ng PHIVOCLS ang mga pinsala at aftershocks kasunod ng malakas na pagyanig.

Facebook Comments