Pilipinas, natalo sa Women’s Volleyball sa pagpapatuloy ng Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

SEA Games – Hindi nakaporma ang Philippine National Women’s Volleyball team kontra Vietnam sa pagpapatuloy ng group stage ng torneo sa 2017 Kuala Lumpur SEA Games.

Yumuko ang koponan sa straight sets 26-24, 25-12 at 25-23 para malasap ng Pilipinas ang unang talo sa dalawang laro.

Pero kahit dumapa ang Pilipinas, pasok pa rin ang koponan sa semifinals dahil sa panalo nila kontra Malaysia kamakailan.


Facebook Comments