Pinakamababang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 ngayong 2022, naitala ng DOH kahapon

244

Naitala kahapon ng Department of Health ang pinakamababang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 ngayong taon.

Ito ay makaraang umabot lamang sa 195 ang bagong kaso na pinakamababa mula noong Disyembre 21, 2021.

Pero sa bilang na ito, 72 na bagong kaso ang nagmula sa Metro Manila.


Samantala, bumaba pa sa 21,038 ang bilang ng aktibong kaso sa buong bansa at lowest mula noong Enero 1.

Pero may limang indibdiwal naman na nadagdag sa mga nasawi kung kaya’t umakyat pa sa 59,969 ang kabuuang mga pumanaw sa bansa dahil sa COVID-19.

Facebook Comments