Pinakamababang kaso ng COVID-19 simula Enero, naitala ng DOH kahapon

58

Naitala ng Department of Health (DOH) kahapon, April 8 ang pinakamababang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 simula Enero.

Batay sa DOH, nadagdagan lamang ng 290 ang bagong kaso ng COVID-19 kaya sumampa na sa 3,680,802 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit.

Nasa 30,527 naman aktibong kaso sa bansa habang umabot na sa 3,590,615 ang total recoveries at 59,660 ang mga nasawi.


Ang mga rehiyon na nakapagtala ng mataas na kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region (NCR) na may 1,426; sinundan ng Region 4-A na may 512 at Region 3 na may 375.

Facebook Comments