
Cauayan City – Nakapagtala ang ISELCO II ng pinakamababang singil sa kuryente ngayong buwan ng Pebrero.
Ang tagumpay na ito ay naging posible sa tulong ng Lupon ng mga Direktor na pinangungunahan ni President Sherwin A. Balloga, at ang buong pamunuan ng ISELCO II sa pamumuno ng General Manager ng ISELCO-II na si Engr. Erni Baggao.
Ayon sa ISELCO II, ang mababang singil sa kuryente ay bunga ng maayos na operasyon, maingat na pagpapatupad ng mga programa, at tapat na paglilingkod ng kanilang pamunuan.
Maliban sa pagbaba ng singil sa kuryente, layunin ng kooperatiba na magbigay ng patas, maaasahan, at abot-kayang serbisyo para sa bawat tahanan at negosyo sa komunidad.
Nagpapasalamat ang kooperatiba sa patuloy na tiwala at suporta ng kanilang mga Member-Consumer-Owners at nangangakong ipagpapatuloy ang mas pinahusay na serbisyo para sa mas maliwanag at progresibong kinabukasan.