Pinay, binaril ng kanyang partner sa California

Patay ang isang 27-anyos na Fil-Am matapos na umano’y barilin ng kanyang partner sa harap ng kanilang dalawang menor de edad na anak sa Daly City, California.

Nangyari ang insidente noong nakaraang linggo, March 6.

Sa ulat, nagtatalo ang mag-partner habang pauwi sa kanilang bahay mula sa isang family dinner.


Napikon umano ang suspek na si Romier Narag, isa ring Pinoy, at bumunot ng baril saka apat na beses na pinaputukan ang biktimang si Frances Kendra Lucero.

Hindi pa malinaw sa ngayon kung ano ang pinagtalunan ng dalawa.

Nakakulong na sa San Mateo County Jail ang suspek at kasalukuyang nahaharap sa kasong murder at child endagerment.

Facebook Comments