Pinay sa Kuwait, pinatay at sinunog

Kinumpirma ng mga awtoridad sa Kuwait ang pagpatay at pagsunog sa isang babaeng Overseas Filipino Worker (OFW) doon.

Natagpuan ang labi ng biktima sa Salmi Road.

Agad naman na naaresto ng Kuwaiti authority ang 17-anyos na suspek na Kuwaiti citizen.


Inamin nito ang krimen bagama’t iniimbestigahan pa ang motibo sa pamamaslang.

Lumalabas din sa autopsy na buntis ang Pinay at ang sample na nakuha sa kanya ay tumugma sa suspek.

Umuusad na ang ligal na hakbang sa kaso sa pangunguna ng Philippine Embassy sa Kuwait.

Facebook Comments