Ping naglibot sa Baguio, namili pa ng sapatos

BAGUIO CITY—Muling bumisita si Partido Reporma presidential bet Panfilo ‘Ping’ Lacson sa lungsod na tinaguriang ‘summer capital’ ng Pilipinas para sa ilang pagpupulong at mga aktibidad na nakatakda niyang daluhan itong Biyernes at Sabado.

Kabilang rito ang kanyang pagdalo sa alumni homecoming event ng Philippine Military Academy (PMA) upang tumanggap ng isang ‘Lifetime Achievement Award’ bilang pagkilala sa kanyang mga naging ambag sa pamahalaan at serbisyo publiko.

Dumating si Lacson Huwebes ng gabi sa Baguio City at nag-ikot kinaumagahan. Napadaan siya sa SM Baguio para bumili ng isang pares ng leather shoes na gagamitin para sa pormal na okasyon na kanyang dadaluhan bukas.


Kuwento ni Lacson, naiwan niya ang kanyang pampormal na sapatos kaya kinailangan niyang sumaglit sa nasabing mall para bumili ng sapatos para may magamit sa kanilang alumni homecoming event. “Buti na lang SM got it all for you,” bahagi ng post ni Lacson sa kanyang opisyal na Facebook page.

Facebook Comments