Pinoy na nabaril ng nag-arestong pulis sa Hong Kong, nasa ligtas nang kalagayan

Kinumpirma ng mga awtoridad sa Hong Kong na matapos malagay sa kritikal na kondisyon ang Pinoy na nabaril ng mga awtoridad doon matapos na manlaban sa pulis na umaaresto sa kanila ay nasa maayos na itong kalagayan ngayon.

Ito ay matapos na magtamo ng tatlong tama ng bala sa kamay at dibdib ang 43-anyos na Pinoy na si alyas “Oliver”.

Sa ngayon, nagpapagaling pa sa ospital ang nasabing Pinoy.


Kamakalawa ay nagresponde ang Hong Kong police matapos na mag-report ang kapitbahay ng mga Pinoy sa ingay ng mga ito.

Gayunman, sa halip na sumuko ng maayos ay nanlaban pa ang Pinoy at sinaktan ang arresting officers kaya siya pinaputukan ng mga ito matapos na hindi pa rin tumigil sa pananakit sa kabila ng verbal warning sa kaniya.

Dalawa ring Hong Kong police ang nasugatan sa insidente.

Isa pang kapwa Pinoy ang naaresto rin kasama ang anim na iba pa na hindi binanggit ang nationalities.

Facebook Comments