Plebesito sa paghahati ng Maguindanao province, kasado na ngayong araw

Kasado na ngayong araw ang plebesito para sa panukalang paghahati ng Maguindanao province.

Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), nakahanda na ang kagamitan, guro at mga magbabantay na pulis sa gaganaping manual voting mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Kasama sa plebesito ang mahigit 500 barangay sa probinsya kung saan nasa mahigit 800,000 ang rehistradong botante rito.


Hindi naman kabilang sa plebesito ang Cotabato City dahil isa na itong component city.

Ang plebesito ay layong hatiin ang lalawigan sa dalawa kung saan papangalanan itong Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.

Facebook Comments