PNP, all set na sa pagsisimula ng campaign period bukas

Handang-handa na ang Philippine National Police (PNP) sa pagsisimula ng campaign period bukas para sa Senate at party-list seats sa darating na 2025 midterm elections.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, bago pa man ang pagsisimula ng campaign period ay may nakalatag nang seguridad upang tiyakin ang ligtas at maayos na pangangampanya.

Maaalalang noong nakaraang linggo, inilunsad ng PNP ang 100-day security plan para sa halalan, kung saan tiniyak ang security coverage sa inaasahang pagdagsa ng mga kandidato sa Luzon, Visayas at Mindanao.


Sinabi pa ni Fajardo na magdadagdag din sila ng mga tauhan sa engagement areas upang mapanatili ang kaayusan.

May koordinasyon na rin sa pagitan ng PNP at ng mga kandidato para matiyak na may sapat na crowd security at close-in security sa bawat campaign sortie.

Facebook Comments