Ilang munisipalidad sa Palawan, lubog pa rin sa baha —OCD

Nananatiling lubog sa baha ang 13 mga lugar sa ilang munisipalidad sa Aborlan, Narra at Puerto Princesa sa Palawan.

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Spokesperson Director Atty. Chris Bendijo, ang mga pag-ulan at pagbaha ay bunsod nang umiiral na shearline sa bahagi ng Palawan.

Sinabi ni Atty. Bendijo na 472 pamilya o katumbas ng 1,906 na indibidwal ang apektado kung saan mahigit 1,200 katao ang pansamantalang nanunuluyan sa iba’t ibang evacuation center.


Sa ngayon, nagpapatuloy ang rescue operations ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP) at Marine battalions sa mga lugar na lubog sa baha.

Habang puspusan din ang paghahatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng family food packs sa mga apektadong residente.

Hinihintay na lamang nila ang resulta ng post disaster analysis upang matukoy saka sakaling may mga lugar na nananatiling isolated dahil sa baha at yon naman ang pagtutuunan nila ng operasyon.

Maliban sa Palawan, ilang lugar din sa Oriental Mindoro at Bicol ang binaha dahil parin sa shearline at tinututukan naman aniya ang mga apektadong residente ng mga nakakasakop na regional offices.

Facebook Comments