Philippine Embassy sa The Netherlands, hindi pinayagang makakuha ng mga larawan sa pagdating ni FPRRD sa ICC

Ipinaabot ng Philippine Embassy sa The Hague sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga naging kaganapan nang dumating sa International Criminal Court (ICC) Detention Center si dating Pangulong Duterte.

Ayon sa DFA, ipinaabot ng embahada na mahigpit ang mga panuntunan ng ICC.

Wala anilang nakuhang larawan ang mga tauhan ng embahada sa turnover sa dating pangulo dahil ipinagbabawal doon ang pagkuha ng mga larawan at video.


Mahigpit din anilang pinaiiral ng ICC ang personal privacy rules sa Detention Center.

Maaari lamang din na maka-access ang media sa mga takbo ng proceedings sa mga paglilitis ng ICC sa pamamagitan ng kanilang social media accounts.

Facebook Comments