PNP Chief Marbil, nag-ikot sa ilang police regional offices sa bansa ilang araw bago matapos ang kanyang termino

Personal na bumisita si Philippine National Police (PNP) Police Chief General Rommel Francisco Marbil, sa Ilocos at Central Luzon Police Offices upang palakasin ang kahandaan ng kapulisan at pagtibayin ang presensya ng pulisya sa bawat mga komunidad.

Unang pinuntahan ni Marbil ang Mapandan, Pangasinan kung saan sinuri nito ang kasalukuyang mga operasyon para sa police visibility maging ang mga gamit ng pulisya.

Dumalaw rin si Marbil sa burol ng asawa at anak ng isang pulis sa Poblacion, Mapandan at taos puso itong nakiramay.

Maliban dito, tinungo rin ni Marbil ang Police Regional Office 3 sa Camp Olivas, San Fernando, Pampanga, kung saan kanyang inalam ang mga situational update at mga istratehiyang ipinatutupad ng rehiyon para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

Ani Marbil, ang magkakasunod na pagbisita niya sa mga police station sa bansa ilang araw bago matapos ang kanyang termino ay upang masiguro ang kahandaan ng pulisya at para mapalapit ang serbisyo ng pulis sa mamamayan.

Facebook Comments